--Ads--

CAUAYAN CITY– Hinigpitan ng mga kasapi ng 7th Infantry Division Phil. Army at mga pulis ang seguridad sa 36 na bayan sa 8 lalawigan na nagdeklara ng persona non grata sa Communist Party of the Phils. New Peoples Army (CPP-NPA)

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Majoy Amado Gutierrez, Division Public Affairs Officer ng 7th Infantry Division na ang kanilang sakop ay ang Region 3, Region 1, lalawigan ng Abra, 7 bayan ng Nueva Vizcaya at 2 bayan ng Mountain Province

Inihayag ni Major Gutierrez na ang walong lalawigan na ang nagdeklara ng Persona non grata sa CPP-NPA ay ang mga lalawigan ng Ilocos Sur , Ilocos Norte, Pangasinan, Zambales. Abra, La-Union, Aurora at Bulacan at 36 na bayan mula sa mga nasabing lalawigan.

Kabilang anya ang Salapadan, Abra kung saan sinalakay ang detachment ng mga CAFGU na ikinamatay ng dalawang CAFGU member ang nagdeklarang ng persona non grata sa CPP-NPA.

--Ads--

Upang maprotektahan anya ang mga mamamayan sa mga lugar ay tinutulungan sila ng mga sundalo at mga pulis katuwang ang mga barangay tanod.

Tinig ni Major Amado Gutierrez, DPAO ng 7th ID

Pinaalalahanan rin ang mga mamamayan sa nasabing mga lugar na kapag nakakita ng ng mga taong may kahina hinala ang mga kilos ay ipagbigay alam sa mga sundalo upang kaagad nilang matugunan.