--Ads--
CAUAYAN CITY- Hindi bababa sa 38 katao ang nasawi sa isang bus vehicular accident sa timog-silangang Brazil kahapon, Disyembre 21, 2024.
Ayon kay Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva, ito ay isang malungkot na trahedya.
Naganap ang aksidente sa Minas Gerais State kung saan nasunog umano ang sangkot na bus matapos bumangga sa isa pang sasakyan.
Kinumpirma ng pulisya na 38 katao ang namatay at siyam ang nasugatan.
Ayon sa imbestigasyon, sumabog ang gulong ng bus dahilan para mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa isang trak.
--Ads--
Dagdag pa rito, ang sanhi ng maraming pagkamatay sa aksidente ay ang sunog na nag-trap sa mga biktima.
nakikiramay din ang mga opisyal at gobyerno sa mga biktima.