--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasa 39% na lamang na barangay ang drug affected dito sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Louella Thomas, spokesperson ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2, sinabi niya na bumababa na ang mga drug affected barangays (DABD).

Aniya, sa kabuoang 2,311 barangay sa region 2 ay 68.5% nito ang drug effected noong 2018 o nasa 1,584 na barangay.

Ngayong taon ay nasa 39.7 percent o 918 baranggay ang kanilang puntiryang isailalim sa drug cleared barangay.

--Ads--

Ngayong Setyembre aniya ay maidedeklara na ring drug cleared municipality ang Santa Maria sa Isabela, Diadi sa Nueva Vizcaya at Allacapan sa Cagayan.

Ito aniya ay bunga ng pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Tinig ni Louella Thomas, spokesperson ng PDEA region 2

Puntirya nilang maideklarang drug cleared ang rehiyon sa susunod na taon.