CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o CVDRRMC sa Cagayan Provincial Capitol, kahapon Sept. 26, 2024.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Information Officer Mia Carbonell ng OCD Region 2, sinabi niya na tinanggap ng Local Government Unit o LGU ng Cagayan ang hamon para mag-host ng nasabing aktibidad.
Isinasagawa ang Earthquake Drill upang makapaghanda ang publiko sa maaring mangyaring lindol pangunahin ang itinuturing na “The Big One”.
Sa koordinasyon ng OCD Region 2, napag-usapan ang pagbuhay sa Provincial Disaster Control Group na dumaan sa evaluation ng mga drill evaluators mula sa Police Regional Office II, Bureau of Fire Protection Regional Office II, Philippine Information Authority Regional Office II aT Office of Civil Defense Regional Office II.
Nagsimula ang aktibidad sa alas dies ng umaga kung saan nilahukan ng mga empleyado ng pamahalaang lok at iba pang tao sa loob ng kapitolyo.
Muli namang inanyayahan ni OCD Information Officer Carbonell ang publiko na huwag ipagsawalang bahala ang mga earthquake drills dahil nakakatulong ito upang malaman ang mga dapat gawin kapag may nangyaring lindol.