--Ads--

CAUAYAN CITY – Apat ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan kahapon sa barangay Ariwong, Diadi, Nueva Vizcaya.

Ang isa sa mga biktima ay naipit ang paa  sa sinasakyang tanker at dinala sa isang ospital sa bayan ng Diadi.

Ang tatlong iba pa ay  nagtamo naman ng mga minor injury.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Diadi Police Station,  hinihinalang nawalan ng preno ang tanker na bumangga sa sinusundang  closed van na patungong South direction.

--Ads--

Matapos magkabanggaan ang tanker at closed van ay  bumangga  ang dalawang sasakyan sa nakaradang trailer truck.

 Nagdulot pagsisikip ng daloy ng trapiko ang aksidente ngunit naayos din ang daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar

Nagtamo ng matinding pinsala ang mga sasakyang nasangkot sa aksidente.