--Ads--

Nilamon ng apoy ang tatlong kabahayan matapos sumiklab ang malaking sunog sa Barangay 2, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Tumauini Fire Station napag alaman na 6:50 kagabi iniulat ng isang concerned citizen ang insidente.

Unang nasunog ang tatlong bahay at dahil halos magkakadikit ang bahay sa compound ay nadamay ang pang apat na bahay.

Umabot ito ng ikalawang alarma kaya kinailangan nila ng tulong mula sa ibang fire station.

--Ads--

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ng BFP Tumauini kaugnay sa posibleng sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsalang iniwan nito.