--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang apat na barangay kagawad ng San Luis, Cauayan City matapos ang ilang araw na pagsasagawa ng barangay assembly.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kapitan Raymond Calimag, sinabi niya nagpositibo ang ilang barangay kagawad matapos na mahawa sa isa ring kagawad na nagtatrabaho sa isang bangko sa lunsod at nahawa sa nagpositibo niyang kasama.

Agad na sumailalim sa swab test ang lahat ng mga nakasalamuha ng mga nagpositibong barangay Kagawad sa naturang pagpupulong at nagnegatibo ang ilan kabilang ang barangay kapitan.

Ayon kay Barangay Kapitan Calimag, dahil sa pandemiya ay naging limitado lamang ang mga inanyayahang dumalo sa pagpupulong na ginanap noong huling linggo ng buwan ng Marso.

--Ads--

Sinabi pa ni Calimag na matapos na mapag-alaman ang resulta ng swab test ng mga barangay kagawad ay agad silang dinala sa Bahay Silangan sa San Pablo, Cauayan City.

Pinabulaanan din niya na may pagala-galang direct contact ng mga nagpositibo at agad na naabisuhan ang may exposure sa mga pasyente na sumailalim sa isolation o quarantine.

Bukod sa mga barangay kagawad ay mayroon ding ibang nahawa na residente sa kanilang barangay kaya nasa anim ngayon ang positibo sa COVID-19 sa San Luis.

Ang pahayag ni Barangay Kapitan Raymond Calimag