--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa localized lockdown ang apat na barangay sa lunsod ng Ilagan dahil sa pagkakatala ng mga panibagong kaso ng COVID-19.
Sa bisa ng Executive Order No. 28 na pirmado ni Mayor Jose Marie Diaz ay isinailalim sa localized lockdown ang mga barangay ng Alibagu, Bliss Village, San Lorenzo at Sindun Bayabo kaninang alas dose ng tanghali at magtatapos sa hating gabi ng May 28.
Nakapaloob sa naturang Executive Order na nakapagtala ng 14 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Brgy. Alibagu, tig-4 sa Bliss Village at Sindun Bayabo at 3 sa San Lorenzo.
Sa ngayon ay mahigpit na tinututukan ng City of Ilagan COVID-19 Task Force ang mga nabanggit na lugar para sa contact tracing at disinfection activity.
--Ads--










