--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkaloob ng tulong tulad ng pagkain ang pamahalaang lokal ng Roxas, Isabela sa mahigit 100 na individual ang inilikas sa Roxas Astrodome at sa evacuation center sa San Antonio, Roxas, Isabela matapos mabaha ang apat na barangay dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog at sapa bunga ng patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Sarah.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Charlene Madla, aid responder ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Roxas, Isabela na umabot hanggang tuhod ang baha sa Nuesa na malapit sa Baramban Creek.

Nag-ikot ang kanilang mga rescue team para ilikas sa Roxas Astrodome ang mga binahang pamilya sa mga bahagi ng barangay ng Nuesa, San Antonio, San Jose at Rizal.

Ang tinig ni Bb. Charlene Madla

Samantala, dahil sa pagtaas ng water level ng Cagayan River ay hindi na madaanan ang limang tulay sa Isabela.

--Ads--

Kabilang dito ang Cansan Overflow Bridge na nag-uugnay sa Cabagan at Sto. Tomas, Isabela; ang Casibarag Overflow Bridge sa Sta. Maria, Isabela; ang Baculod Overflow Bridge sa Lunsod ng Ilagan,ang Alicaocao Overflow Bridge sa Cauayan City at ang Siffu bridge sa Roxas, Isabela na pansamantalang isinara sa mga motorsita dahil sa malakas na agos ng tubig sa Magat River at ang mga naaanod na debris mula sa Kalinga.