--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpapatupad na ng apat na araw na lockdown kada linggo simula May 16 ang Turkey matapos ang patuloy na pagkakatala ng mga nasasawi dahil sa coronavirus disease (COVID 19).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Digs Jariolne, OFW sa Ankara, Turkey na kung dati ay every weekends o araw ng Sabado at linggo lamang ang ipinapatupad na lockdown ngayon ay ginawa nang apat na araw na magsisimula sa araw ng Sabado hanggang Martes.

Sinabi ni Jariolne na nalilito na ang mga residente sa Ankara, Turkey dahil sa pabago bagong pahayag ng kanilang pamahalaan.

Mayroon na rin anyang mga restaurants at ilang mga bahay kalakal ang bukas sa Turkey habang ang ilan ay sarado.

--Ads--

Anya bagamat bumababa ang kaso ng COVID-19 ay mayroon pa ring nasasawing mahigit limampong COVID patient kada araw hindi tulad noong mga nakaraang araw na umaabot sa mahigit isang daan.

Tinig ni Digs Jariolne.