--Ads--

CAUAYAN CITY– Nadakip ng mga otoridad ang apat na lalaki sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation sa Santiago City.

Inaresto si Ellyster Sagabaen 40 anyos, may-asawa, tsuper ng tricycle at residente ng Calao East, Santiago City matapos niyang ibenta sa police posuer buyer ang isang sachet na naglalaman ng shabu.

Nadakip din si Faustino Aquino, 45 anyos, may-asawa, vendor at residente ng Centro East, Santiago City matapos ibunyag ni Sagabaen na siya umano ang pinagkukunan niya ng shabu.

Si Sagabaen at Aquino ay kapwa newly identified drug personalities.

--Ads--

Nadakip din sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga kasapi ng SCPO City Intelligence Branch, Station 1 at PDEA-Region 2 si Julius Danao, 23 anyos at residente ng Rizal, Santiago City.

Nakuha sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ay agad siyang dinakip ng mga otoridad.

Si Danao ay una nang nakulong ng apat na taon dahil sa kasong carnapping.

Huling nadakip ng mga otoridad ang isang empleyado sa City hall ng LGU-Santiago City na si Adrian Kayakap, 43 anyos at residente ng Buenavista, Santiago City.