--Ads--

CAUAYAN CITY- Inamin ng Reina Mercedes Police Station na hanggang ngayon ay wala pang malinaw na gabay sa naganap na apat na kaso ng pamamaril simula noong buwan ng Mayo hanggang ngayong Hunyo.

Ito ay ayon kay P/Senior Inspector Bruno Palattao, hepe ng Reina Mercedes Police Station.

Magugunita na noong buwan ng Mayo ay pinagbabaril subalit nakaligtas ang Bar Owner na si Alvin Nanca na sinundan naman ng pagbaril at pagpatay kay Peter Maraggon.

Ngayong buwan ng Hunyo ay magkasunod ang naganap na pamamaril at pagpatay sa unang biktimang si Jose Pascua na sinundan ng pamamaril sa biktimang si Melvin Respicio na nasa kritikal na kalagayan.

--Ads--

Inihayag ni Senior Inspector Palattao na hindi nila inuupuan ang mga kaso ng pamamaril at pagpaslang sa kanilang nasasakupan at ginagawa nila ang lahat ng makakaya upang ito ay malutas.

Hirap anyang makakuha ng gabay ang pulisya dahil karamihan sa mga kamag-anak ng mga biktima ay limitado ang ibinibigay na limitasyon.

Ipinahayag pa ng hepe na hindi pa rin inaalis na may kaugnayan sa droga ang kaso ng mga pamamaril dahil tatlo sa mga biktima ay mga drug surrenderer.