CAUAYAN CITY– Apat na katao ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa lansangan.
Una rito, 3 lalaki ang nasugatan makaraan na ang sinasakyang motorsiklo ay masangkot sa self accident sa Gamu, Isabela.
Ang nasugatan ay sina Brandon Aparelya, 14 anyos, residente ng Baligatan, lunsod ng Ilagan; Joe Miranda, 22 anyos at Johnny Ramoran ng Fuyo, Ilagan City.
Sila ay nagtamo ng bahagyang sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan na agad isinugod sa pagamutan ng mga tumugon na kasapi ng Dart Rescue 831.
Samantala, isa ring aksidente sa lansangan ang naitala sa bahagi ng Brgy. Alibagu, Ilagan City na kinasangkutan ng isang pick-up truck at single motorcycle.
Nagtamo ng sugat sa kanyang kaliwang balikat si Leo Mata, 35 anyos, residente ng Sto. Tomas, lunsod ng Ilagan.




