CAUAYAN CITY – Nasamsaman ng mga bala ng iba’t ibang uri ng baril ang isang barangay kapitan habang isang baril na may anim na bala at granada ang nasamsam sa bahay ng isang lalaki sa isinagawang magkasunod na search warrant ng CIDG Cagayan, CIDG region 2 , Police Regional Office 2 at Santa Maria Police Station sa Santa Maria, Isabela.
Ang search warrant ay ipinalabas ni Judge Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela
Inaresto si Punong Barangay Joey Corpuz, 46 anyos,may-asawa, residente ng Purok Uno Naganacan, Santa Maria, Isabela matapos masamsaman ng labing dalawang piraso ng bala ng iba’t ibang uri ng mga bala ng Cal. 45, Cal. 9mm, Cal. 30mm, Cal. 5.56mm, Cal. 7.62mm, Cal. 39mm at 47 na basyo ng bala ng Cal. 45 at Cal. 9mm at black pistol Holster.
Samantala, ang pangalawang sinilbihan ng search warrant ay si Ericson Bagunu, 45 anyos, may-asawa at residente rin ng Naganacan, Santa Maria, Isabela.
Nasamsam sa bahay ni Bagunu ang Cal. 45 Armscor na may serial number 1191185; isang magazine ng Cal. 45; anim na piraso ng bala ng Cal. 45 at isang hand grenade.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Staff Master Sgt. Ferdinand Cristobal Jr., Investigator ng Santa Maria Police Station na ang pagkakadakip ng 2 suspek ay dahil sa intensified campaign kontra loose firearms.
Samantala, sa lalawigan ng Cagayan ay dalawang lalaki rin ang nasamsaman ng iba’t ibang uri ng bala ng mga baril.
Nasamsam sa bahay ni Jefferson Balagso, 32 anyos, may-asawa , residente ng Libertad, Abulug, Cagayan ang isang magazine ng magazine cal. 45 place na nakalagay sa itim na belt bag; dalawang bala ng 9mm; dalawang bala ng 12 gauge shotgun; dalawang bala ng Cl 45; at isang bala ng Cal. 38;
Nakuha din sa bahay ni Jesus De Guzman,32 anyos, magsasaka, binata, residente ng Liwan Norte, Enrile, Cagayan ang isang maigsing magazine ng Caliber 45 na loaded ng 6 na bala,.
Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa apat na suspek.












