
CAUAYAN CITY– Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang 4 katao matapos magbanggaan ang motorsiko at kotse sa Maligaya, Echague, Isabela.
Ang tsuper ng single motorcycle ay si Jhody Iddurut, 37 anyos habang ang mga backride nito ay kanyang anak na 7 anyos at ang asawa na si Rosalie Iddurut pawang residente ng Bacradal, Echague, Isabela
Ang tsuper ng kotse ay si Virgilio Pascual Jr., residente ng Nagassican, Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng kotse ang daang Maharlika patungong timog na direksiyon at nang makarating sa barangay Maligaya ay nakasalubong ang motorsiklong minamaneho ni Iddurut.
Sakto namang nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang motorsiklong minamaneho ni Iddurut at umagaw sa linya ng sasakyang minamaneho ni Pascual na naging dahilan ng kanilang banggaan.
Dahil sa lakas ng impact ng banggaan ay nagtamo ng sira ay nayupi ang harapan ng sasakyan habang tumilapon ang tatlong sakay ng motorsiklo sa daan.
Kaagad dinala sa pagamutan ng tumugong Echague rescue team ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan.










