--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang apat katao sa naganap na banggaan ng tricycle at motorisklo sa national highway sa Barangay Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya

Ang mga sugatan ay sina Romulo Abat Jr., 30 anyos, tsuper ng motorskilo, may-asawa, kawani ng pamahalaan at residente ng Barangay Salvacion,Bagabag, Nueva Vizcaya; Cristelita Salvador ,41 anyos dating OFW; Arceli Jovero, 38 anyos, housekeeper at Jerland Ocol, 28 anyos, karpintero na pawang residente ng Barangay Dibuluan, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng tricyle ang daan patungong timog direksyon nang biglang umagaw ng linya ang motorsiklo kaya naganap ang banggaan.

Ito ay nagbunga ng pagkakasugat ng mga biktima na agad dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas ang mga tinamong mga sugat sa kanilang katawan.

--Ads--