CAUAYAN CITY- Apat ang nasugatan sa pagkasunog ng nakaimbak na mga ipa na ginagawang darak mula sa isang rice mill ni Engineer Evelyn Cadilenia ng San Mateo, Isabela
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga nasugatan ay nakilala lamang sa mga pangalang Mario Tiburcio, Isang nag-aapelyedong Coloma, Eddie Adriano at Gian Prieto.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni SFO3 Emiliano Garcia ng BFP San Mateo, Isabela agad nilang tinugunan ang nasabing sunog.
Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ang mga manggagawa ay nagwewelding malapit sa mga nakaimbak na ipa na siyang pinagmulan ng sunog.
Anya, nag-spark ang welding rod at dito natilamsikan ang mga nakaimbak na ipa na nagsanhi ng sunog.
Agad na dinala ang mga sugatang manggagawa na nagtamo ng second degree burn sa Rural Health Unit San Mateo subalit inilipat sila sa isang pagamutan sa Cauayan City.