CAUAYAN CITY – Apat na tao ang sugatan makaraang matagis ng isang motorsiklo ang isa pang motorsiklo barangay District 1, San Manuel, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga sangkot na motorsiklo ay ang minamaneho ng suspek na si Mark Fernando, 20 anyos, binata, walang lisensiyang magmaneho at residente ng Sandiat West, San Manuel, Isabela
Habang ang isa pang sangkot sa aksidente ay ang motorsiklong minameno ni Jefferson Liyabres,17anyos, binata, Grade-12 student, walang lisensiya sa pagmamaneho at residente ng barangay District 1 kasama ang mga bakriders na sina Renato Peralta, 19 anyos, binata at Brixter Manawis, 18 anyos na kapwa residente ng District 3, San Manuel, Isabela.
Nag-ulat sa San Manuel Police Station si G. Jerry Liyabres,53 anyos na ang nakamotorsiklong anak na si Jefferson ay natagis ng motorsiklong minamaneho ni Fernando
sa pagsisiyasat ng pulisya ang dalawang motorsiklo ay bumibiyahe sa hilagang direksiyon at tinangkang lampasan ni Fernando ang motorsiklong minamaneho ni Liyabres ngunit napansing mayroong nakatambak na buhangin sa shoulder lane.
Agad na binawi ni Fernando ang pag-overtake at napunta sa kanyang linya ngunit nasagi ang motorsiklong minamaneho ni Liyabres na sanhi para sila ay bumaliktad
Isinugod sa pagamutan ang mga biktimang sakay ng dalawang motorsiklo dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.




