--Ads--

CAUAYAN CITY– Ipapasakamay ng Cauayan City Police Station sa Bureau of Immigration ang apat na Chinese National sa araw ng Lunes, October 28, 2019.

Ito ang naging pahayag sa Bombo Radyo Cauayan ni Pl. Lt. Col. Gerald  Gamboa, hepe ng Cauayan Police Station  sa  kanilang pansamantalang pagkustodiya sa  mga chinese national na sina  Wuliang Zhuang, Yuerong Shui, Wang Zai Zhou at isa pa na balak magtayo ng negosyo sa Cauayan City ngunit walang mapakitang mga  kaukulang  papeles.

Sinabi ni Police Lt. Col. Gamboa na  walang maipakitang anumang dokumento ang apat na chinese national kaya kailangang i-verify sa Bureau of Immigration kung may mga papeles o records sila sa pagpasok ng Pilipinas.

Anya gumamit pa sila ng interpreter  para makausap ang mga chinese ngunit tipid sila sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa kanilang pagpasok  sa bansa.

--Ads--
Tinig ni PLt. Col. Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan City Police Station

Nilinaw naman ng hepe ng pulisya na wala namang paglabag ang mga nasabing dayuhan sa  batas na ipinapatupad ng    pulisya  maliban na lamang sa batas na ipinapatupad ng Bureau of Immigration.

Napagkasunduan na ang apat na chinese ay mananatili muna sa Cauayan City Police Station ngunit hindi sila ikukulong.