CAUAYAN CITY – Ninanakaw ang apat na flat screen television ng Santiago North Central School sa Santiago City
Sa kabila na mayroong sariling guwardiya, ito na ang pangalawang beses na pinagnakawan ang nasabing paarlan kung saan naganap ang unang pagnanakaw noong buwan ng Hulyo ngunit nadakip ang mga menor de edad na mga suspek.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Rolando Gatan, Station Commander ng Presinto uno ng Santiago City Police Office na batay sa salaysay ng guwardiya, nag-ikot siya sa nasabing paaralan ganap na alas onse kagabi at sa pangalawang pag-iikot niya ay nawawala na ang apat na flat screen television.
Sinabi pa ni Chief Inspector Gatan na nagtataka sila dahil apat na silid aralan ang binuksan ng mga suspek ngunit hindi man lamang napansin ng guwardiya.
Anya maaaring tulog ang guwardiya o kaya ay hindi pumasok kahapon dahil holiday
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chief Inspector Gatan na puspusan na ang ginawang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang mga pinaghihinalaang nagnakaw ng apat na flat screen television sa nasabing paaralan.




