--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Echague Police Station ang apat na mga mag-aaral dahil sa pagsusugal sa kanilang boarding house sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Ruben Martines,hepe ng PNP Echague na dinakip ang apat na binata matapos makatanggap sila ng impormasyon na sila ay nagsusugal.

Nangako ang apat na mag-aaral na hindi na uulitin ang pagsusugal kaya silang pinakawalan.

Nagbabala naman ang mga pulis sa mga mag-aaral na sila ai papasakamay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kapag mula silang mahuling nagsusugal .

--Ads--

Pawang 17 anyos ang dinakip na apat na mag-aaral.