

CAUAYAN CITY– Patay ang mag-asawa at dalawa nilang anak matapos mahulog sa isang malalim na bangin ang kanilang sasakyan sa Gonogon, Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga.
Nakilala ang magkakapamilyang nasawi na sina Pastor Marcelo Sagyama, 50 anyos; maybahay nito na si Ginang Marivic Sagyaman, 48 anyos at mga anak na sina Marvin Sagyaman, 27 anyos at Azrel Sagyaman, 12 anyos, pawang tesidente ng Sacpil,Conner,Apayao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PSMSgt. Ford Wassig, Public Information Officer Officer ng Tabuk City Police Station na galing sa isang religious activities sa Tadian, Mt. Province at papauwi na sila nang maganap ang aksidente kaninang 4:00am.
Mayroon anyang convoy na jeep kung saan sakay ang mga Church members nang mapansin nilang hindi sumusunod sa kanila ang Starex Van na sinasakyan ng kanilang Pastor at pamilya nito.
Dahil dito ay hinintay nila ngunit makalipas ang 30 minuto ay binalikan na nila at dito nakakita sila ng mga tao na nagsabing mayroong nahulog na sasakyan sa bangin na may lalim na 150 meters.
Ang naturang lugar ay maituturing na accident prone area dahil mayroon na ring mga naunang naganap na residente sa nabanggit na lugar.
Tumulong anya ang mga sibilyan, rescuers ng Kalinga at Tabuk City upang maiahon ang bangkay ng mga biktima.
Umabot anya sa mahigit apat na oras bago nakuha ang mga labi ng biktima.
Gumamit ang mga rescuers ng tali para makababa sa bangin at dinala ang mga labi sa tabi ng ilog para maisakay sa rubber boat
Maari anyang human error o mechanical error ang sanhi ng aksidente ng magkakapamilya.
Ang mga labi ng mga biktima ay dinala sa isang punerarya bago dinala sa kanilang Simbahan sa Dilag, Tabuk City.










