--Ads--

CAUAYAN CITY- Nananatiling impassable o hindi madaanan ang apat na major roads at bridges sa Lambak ng Cagayan bunsod ng Pananalasa ng Bagyong Nika.

Ito ay kinabibilangan ng Itawes Overflow Bridge sa Piat, Cagayan; Gadu-Carilucud- Nabbotuan-Palao- Maccutay Road sa Solana, Cagayan; habang sa Lalawigan naman ng Quirino ay impassable ang Jct Abbag-Nagtipunan- Nueva Vizcaya Rd via Dupax sa bayan nagtipunan at Jct Victoria-Maddela- Alicia-Kasibu Bdry Rd sa bayan naman ng Aglipay, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Maricel Asejo ng Department of Public Works and Highway Region 2, sinabi niya hindi madaanan ang naturang mga kalsada at tulay dahil sa pag-apaw ng tubig.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa lamang ang isinasagawa nilang damage assessment upang matukoy ang kabuaang halaga ng pinsala sa imprastraltura.

--Ads--

Nagpapatuloy naman ngayong araw ang isinasagawa nilang clearing operations sa mga daanan bunsod na rin ng ilang mga natumbang puno na nakahambalang sa daan.