--Ads--

CAUAYAN CITY – Naipasakamay sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office ( CSWDO ) ang apat na menor de edad matapos kunin ang alagang aso ng isang negosyante sa pamilihan ng lunsod ng Santiago.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nakatuwaan lamang umanong kunin ng apat na menor de edad ang alagang aso ng negosyante.

Nakiusap naman ang ama ni Troy, isa sa mga suspek sa biktima na huwag ng ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa apat at napagkasunduang isuko na lamang sa pamunuan ng CSWDO.

Nangako naman ang apat na menor de edad na hindi na nila uulitin ang kanilang ginawa.

--Ads--

nakatakda silang sumailalim sa counselling at community service.

Samantala, nagpaalala sa mga magulang si P/Sr. Insp. Jose Cabaddu, Station 2 Commander ng Santiago City Police Office na gabayang mabuti ang kanilang mga anak upang hindi mapariwara at hindi makagawa ng masama.