Apat na regional directors ang kabilang sa 11 opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ni-relieved sa puwesto habang iniimbestigahan sa iba’t ibang kadahilanan.
Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na kabilang sa mga naturang opisyal ang mga regional directors sa Region 1; Region 4A; Region 5 at Region 7.
Sinibak din ang dalawang assistant regional directors ng Region 4B at Region 5, gayundin ang dalawang district engineers ng Metro Manila 3rd District Engineering Office (DEO) at South Manila (DEO).
Bukod sa kanila, tatlo pang DPWH officials ang inalis din matapos na hindi maabot ang mga kuwalipikasyon sa Civil Service Commission (CSC).
Ayon kay Dizon, nagpatupad na ang DPWH ng balasahan sa mga opisyal nito.











