CAUAYAN CITY –Patay ang apat na sundalo sa naganap na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng New People’s Army o NPA sa Sitio Manlan, Barangay Dine, Kasibu, Nueva Vizcaya.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Staff Sgt. Dexter John Tagacay, Corporal Jayson Sabado, Corporal Rusty Galan at Private First Class Abraham Lindo, pawang mga kasapi ng Alpha Company ng 84th Infantry Batallion ng 7th Infantry Division ng Phil. Army .
Ang tropa ng Alpha Company ng 84th IB na pinangunahan ni Lt. Chavez ay naka-engkuwentro ang hindi pa mabilang na pangkat ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Ang mga sundalo ay kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation nang mapalaban sa hindi pa mabilang na mga kasapi ng New People’s Army.
Nagpapatuloy ang isinasagawang hot pursuit operation at isa ring platoon ng 84th Infantry Batallion ang ipinadala at tumutulong na sa nasabing operasyon.
Ang 84th Infantry Batallion ay sakop ng 7th Infantry Division ng Phil. Army na nakahimpil sa lalawigan ng Nueva Ecija.




