--Ads--

Apat na katao ang nasawi kabilang ang isang bata sa malagim na trahedyang kinasangkutan ng helicopter na operated ng EastWind Aviation Limited.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na nagkaroon ng problema ang navigation ng helicopter matapos itong lumipad ng gabi at may kadiliman ang paligid.

Batay sa ulat ng National Transportation Safety Board na hindi nakabukas ang ilaw ng transmission o radio tower na sanhi para sumalpok ang aircraft.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon sa posibleng naging sanhi ng aksidente at upang matukoy kung sino ang mananagit sa malagim na sinapit ng mga biktima.

--Ads--