--Ads--

CAUAYAN CITY- Ibinunyag ng presidente ng rice millers association region 2 na may ilang rice mill sa Isabela na napipintong magsara.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ernesto Subia, presidente ng Rice Millers Association sa ikalawang rehiyon, sinabi niya na nasa tatlo hanggang apat na rice mill sa Isabela ang malapit ng magsara dahil ang mga may-ari ay hindi na nakakabayad ng interest ng utang nila sa Landbank at ang ilan ay nakauwi na sa China.

Aniya, dayuhan ang mga may-ari ng mga napipintong magsara na rice mill.

Gayunman ay wala aniyang kinalaman sa rice tarrification law ang pagsasara ng mga ito.

--Ads--

Iginigiit ni Ginoong Subia ang laki ng nauutang ng mga dayuhan sa landbank habang ang mga Pilipino ay hindi makautang ng malaking halaga.

Kung Pilipino aniya ang uutang ay hinahanapan pa ng bank record.

Tinig ni G. Ernesto Subia

Hinamon niya ang pamahalaan na dapat itong tutukan dahil malaki itong kaplpakan sa gobyerno.