--Ads--
CAUAYAN CITY – Sinunog ang 40 kilo ng karne ng baboy na nakumpiska ng meat inspector ng Economic Enterprise Management Office ng San Mateo, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mahigpit na pinatupad ang pagbabawal sa San Mateo ng pag-angkat ng mga karne sa iba’t ibang lugar ng mga frozen meat na hinihinalang botcha.
Dinala naman sa himpilan ng San Mateo Police Station ang mga nasamsam na karne ng baboy saka sinunog.
Samantala , pinaalala naman sa mga meat vendors na huwag ng subukan pang mag-angkat ng mga frozen meat sa ibang lugar dahil masasayang lang umano ito.
--Ads--
Mayroon namang sariling makabagong slaughter house ang bayan ng San Mateo, Isabela.




