--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 40 mula sa 84 na assorted firearms na nakumpiska at isinuko ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sinira ng pamunuan ng 7th Infantry Division Philippine Army.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Maj Amado Gutierrez, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 7th Infantry Division, PA na nakahimpil sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija na pinangunahan nila ang pagsira ng iba’t ibang uri ng baril na nasamsam at isinuko ng mga NPA mula noong 2016 hanggang 2019.

Mula sa 84 na assorted firearms ay 40 ang kanilang tuluyang sinira sa pamamagitan ng pagputol ng iba’t ibang bahagi ng baril upang hindi na mapakinabangan.

Dalawampu’t tatlo naman ang kanilang ibinalik sa kanilang supply lines   dahil maari pa nilang pakinabangan.

--Ads--

Apat ang ibinalik sa Philippine National Police (PNP) dahil ang mga serial numbers ay galing sa supply lines ng pulisya.

Ang apat na M16 rifle ay kanilang narecover sa Carranglan, Nueva Ecija at sa Maria Aurora, Aurora Province.

Samantala, inanyayahan nila ang mga mayor ng Carranglan at Maria Aurora upang makita nila ang isinagawang pagpasakamay ng mga nasabing baril at makagawa rin ng programa ang mga LGU’s upang wakasan na ang insurhensiya sa kanilang nasasakupan.

Natuklasan din nila na ang 17 na baril baril mula sa 84 na assorted firearms ay nakuha sa pamamagitan ng Military Assistance Program ng Estados Unidos.

Humingi na rin ang AFP ng kapahintulutan mula sa Estados Unidos upang sirain ang mga baril.

Ang tinig ni Maj Amado Gutierrez