--Ads--

CAUAYAN CITY– Umabot sa 101 % ang itinaas ng kaso ng dengue sa region 2 mula Enero hanggang Agiosto 2019.

Umabot na sa 43 ang tatlo ang namatay kumpara noong 2018 na 12 lamang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Romy Turingan ng Department of Health (DOH) region 2 na mula noong Enero hanggang Agosto 2, 2019 ay umabot na sa 7,650 ang naitalang nagkasakit ng dengue ikalawang rehiyon kumpara sa 3,750 sa katulad na panahon 2018.

Sinabi ni Dr. Turingan na kumikilos na ang DOH region 2 upang mapababa ang naitatalang kaso ng dengue sa mga susunod na buwan ng 2019.

--Ads--

Aniya nagpapamigay na sila ng insecticide treated screen sa mga pampublikong paaralan sa region 2.


Puspusan din ang kanilang isinasagawang information dissemination at Action Barangay Kontra Dengue para sa pagtulong ng mga opisyal ng barangay na mapuksa ang mga lugar na pinangingitlugan ng lamok na nagdudulot ng sakit na dengue

Sinabi pa ni Dr. Turingan na ang lalawigan ng Cagayan ay mayroong kaso ng dengue na 2,910, ang Isabela ay 2,111 bukod sa mga nagkasakit ng dengue sa mga lunsod ng Ilagan, Cauayan at Santiago.

Sa lalawigan ng Quirino ay mayroong 720 na kaso kumpara sa 244 noong nakaraang taon, Nueva Vizcaya 798 kumpara sa 740 noong 2018 taon at sa Batanes ay may walong kaso lamang.

Sa ngayon ay binabantayan ng DOH region 2 upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dengue at iba pang mga sakit sa mga biktima ng lindol sa Batanes.


Nanawagan siya sa mga mamamayan na ang mabisa pa rin na panlaban sa sakit na dengue ay ang search and destroy sa mga pinangingitlugan ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Ang tinig ni Dr. Romy Turingan ng DOH region 2