Opisyal nang binuksan ang 45-days Infantry Orientation Training (IOT) CL-03-2025 sa loob ng 5th Division Training School sa Camp Melchor Dela Cruz.
Layunin ng IOT na linangin ang kasanayan ng mga sundalo hindi lamang sa larangan ng pakikidigma kundi pati na rin sa agarang pagtugon sa mga kalamidad na hinaharap ng bansa.
Ang IOT CL-03-2025 ay binubuo ng 61 na lalake habang dalawa sa mga ito ay babae na nagmula sa ibat-ibang probinsya gaya ng Isabela, Cagayan, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Pangasinan, Quezon Province, Visayas at Mindanao.
Unti-unti na ring magkakaron ng shift ang 5th ID mula sa Interoperability sa territorial defense maging sa mga reservist at regular forces.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPAO Chief LtC. Melvin Asuncion sinabi niya na nakiisa ang militar sa iba’t ibang aktibidad nitong mga nagdaang Linggo.
Kabilang jan ang Interfaith Walk at Peace covenant signing na inorganisa ng Commission on election o COMELEC sa pangunguna ng 86th Infantry Battallion.
Naging abala din ang 5th Id sa pakikilahok sa Color Fun Run sa katatapos na Bambanti Festival.
Maliban dito ay nariyan parin ang iba’t ibang programa ng 5th ID partikular sa ginanap na outreach program sa Sto. Nino Cagayan kung saan namahagi sila ng mga gamit para sa mga bata.
Inilunsad din ng Militar ang booked chronicles of Marag Valley the Paradise lost, Paradise Regained sa Apayao na personal na dinaluhan ng 5th Id commander MGen. Gulliver Señires.