--Ads--
CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 45 na panibagong kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 25 sa mga bagong kaso ang mula sa Cabagan, tig-lilima sa Gamu at lunsod ng Santiago, tig-dadalawa sa Cauayan City at Tumauini habang tig-iisa sa Echague, Ilagan City, San Manuel, San Mateo, Sta. Maria at Sto. Tomas.
Sa ngayon ay mayroon ng 5,443 na naitalang kaso ng COVID-19 sa Isabela, 461 ang aktibong kaso 107 na ang nasawi.
Labing apat ang locally stranded individuals sa mga aktibong kaso, 31 ang Health Workers, 7 ang pulis at 409 ang mula sa local transmission.
--Ads--
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.











