CAUAYAN CITY –Pinulong ang Nagpulong ang 46 na barangay kapitan ng pinuno ng Isabela Anti Crime Task Force (IACTF) tungkol sa drug clearing operation sa kani kanilang barangay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Ismael Atienza, pinuno ng Isabela Anti Crime Task na kaya siya nagpatawag ng pulong sa mga barangay kapitan sa Cauayan City ay dahil gusto niyang malaman kung ano ang mga problema dahil kaunti pa lamang ang mga naidedeklarang drug cleared barangay sa buong lunsod.
Aniya, ang nakikita nilang dahilan ay dahil may mga barangay na may drug personality subalit hindi residente sa kanilang barangay.
Nagbigay sila ng mga pangalan ng mga drug personality sa mga barangay kapitan at sila na mismo ang gagawa ng paraan para sila ay kausapin.
Kung may mga mahuhuli aniya sa kanilang barangay na hindi naman tagaroon ay kailangan nila itong patunayan gayundin kung ang mga taong nasa listahan ay wala na sa kanilang barangay ay kailangan din nilang gumawa ng resolusyon na nagpapatunay na wala na nga sila sa kanilang nasasakupan.





