
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 291 ang mga COVID-19 positive sa region 2 matapos maitala ng DOH region 2 ang 47 cases ngayong July 25, 2020, ang pinakamataas na bilang sa iisang araw.
Sa mga COVID-19 positive ay 29 sa Cagayan, 12 sa Isabela at 6 sa Nueva Vizcaya.
Sa Isabela ay naitala ang 1 sa Cauayan City, 3 sa Delfin Albano, 2 sa Naguilian, 2 sa Angadanan at tig-iisa sa Aurora, Cordon at Ramon.
Sa Cagayan ay 6 ang COVID-19 positive sa Tuguegarao City, tiglilima sa Alcala at Tuao, tigtatatlo sa Peniablanca, at Iguig, tigdadalawa sa Enrile at Calayan habang tig-iisa sa Rizal, Solana at Piat.
Sa Nueva Vizcaya ay lima sa bayan ng Aritao habang isa sa Solano.
Sa nasabing bilang ay 7 ang health workers, 4 ang OFW, 19 ang LSI at 17 ang walang travel history kundi nahawa sa mga nakasalamuhang COVID-19 positive.
Samantala sa Isabela ang mga COVID-19 positive ay sina:
CV264, 42 anyos na babae na taga-Naguilian, Isabela na pupunta sana sa Spain.
CV265, 13 anyos na lalaki na mula Nagulian, Isabela na pupunta sana sa Spain kasama si CV264.
CV269, 44 anyos na lalaki na mula Angadanan, Isabela na LSI galing Taguig City.
CV270, 38 anyos (inaalam pa ang gender) na mula Cauayan City at OFW na mula sa Dubai.
CV271, 37 anyos na lalaki na mula Cordon, Isabela na OFW na galing sa Japan.
CV277, 27 anyos na lalaki mula Ramon, Isabela at LSI na galing sa Taguig City.
CV278, 28 anyos na babae mula Delfin Albano, Isabela, LSI na galing sa Marikina City.
CV279, 51 anyos na babae mula Delfin, Albano, Isabela, LSI na galing sa Caloocan City.
CV281, 24 anyos na babae mula Ramon, Isabela na LSI na galing Caloocan City.
CV282, 31 anyos na lalaki mula Angadanan, Isabela at LSI na galing sa Metro Manila.
CV285, 22 anyos na babae mula sa Delfin Albano, Isabela, LSI na galing sa Makati City.
At si CV290, 33 anyos na babae na mula sa Aurora, Isabela at LSI na galing sa Metro Manila.
Nananatiling COVID-19 free sa region 2 ang Quirino at Batanes.










