
CAUAYAN CITY– nakarating na sa Jinan County, South Korea ang nasa 48 farmer interns mula sa lalawigan ng Isabela na kabilang sa ikalawang batch ng mga interns sa Seasonal Agricultural Sector Development Exchange Program.
Ang naturang mga magsasaka ay sasailalim sa limang buwang internship program kung saan sinamahan sila ni Asst. Provincial Agriculturist Sergio Galamgam ng Isabela.
Sinamahan sila ni Asst. Provincial Agriculturist Galamgam upang tiyakin ang kaligtasan ng mga magsasaka gayunnarin na mamonitor ang kabuuang kondisyon ng mga magsasakang sumasailalim sa internship sa south korea.
Mainit namang tinanggap ni Mayor Jeon Chun-Sung ng Jinan County ang 48 farmer interns na dumating sa kanilang bansa.
Ang Jinan county ay isa lamang sa sampung mga counties sa South Korea na humihimok sa mga magsasaka sa pilipinas na makiisa sa farmer internship program bilang bahagi ng mutual agreement ng Provincial Government at Jinan County.
Ang internship program ay mas magbubukas ng mas maraming pagkakataon at trabaho para sa mga nasa sektor ng pagsasaka sa Isabela.
Samantala tinatayang nasa mahigit 20 mga magsasaka ang kabilang sa farmer internship program at nakatakdang lumipad patungong Wanju County, South Korea.










