--Ads--

Tuloy ang 48th ASEAN Summit sa Mayo 7–8, ngunit gaganapin ito sa mas simple at tipid na bersyon upang mabawasan ang gastos sa gitna ng krisis sa Middle East.

Sa ambush interview kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite, sinabi niya na paiikliin ang summit sa humigit-kumulang isa’t kalahating araw at tututok lamang sa mahahalagang usapin tulad ng suplay at presyo ng langis at pagkain, pati na rin ang kalagayan ng mga migrant workers.

Nagkaisa ang mga bansang kasapi ng ASEAN na huwag ipagpaliban ang pulong at sa halip ay pagtutulungan kung paano haharapin ang epekto ng pandaigdigang krisis.

Bahagi rin ng pagbabawas sa engrandeng preparasyon ang pagtitipid, kasabay ng panawagang bawasan ang budget ng ASEAN at ilaan ang pondo sa mga sektor na labis na apektado ng tumataas na presyo ng langis.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nakatuon ang rehiyon sa kung paano magkakaisa ang ASEAN upang malampasan ang sunod-sunod na epekto ng tensyon sa ekonomiya ngayong taon.