--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa pangangalaga na ng pulisya sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang inarestong ikaapat na nominee ng Anakpawis Partylist matapos silbihan ng kanyang warrant of arrest sa bayan ng Bayombong.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Capt. Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division, Philippine Army na sa bisa ng warrant of arrest ay inaresto si Isabelo Adviento, mas kilala bilang Tang Buting, 4th nominee ng Anakpawis Partylist, sa isang food chain sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Si Adviento ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o iligal na pag-iingat ng mga baril na sakop din ng Republic Act 9516 at Republic Act 8294.

Pinabulaanan ni Capt. Pamittan ang paratang ng akusado na planted ang mga  baril, granada at mga pampasabog na nakuha sa kanyang bahay sa Carupian, Baggao, Cagayan noong December 2, 2020.

--Ads--

Hindi rin sila namumulitika at ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho sa  pagsisilbi ng warrant of arrest ng akusado.

Si Adviento ay Regional Coordinator ng Anakpawis Cagayan Valley.

Ibinunyag din ng mga sumukong NPA sa rehiyon na isa si Adviento sa humikayat sa kanila na pumasok sa rebeldeng pangkat na patunay lamang na may ugnayan ang anakpawis sa rebelding grupo.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa mga kinakaharap na kaso ni Adviento para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Pansamantalang nasa kustodiya ng awtoridad si Adviento para sa dokumentasyon at kaukulangh disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.