--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Governor Carlos Padilla  ang ikatlong kaso ng Coronavirus Disease (COVID 19) sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ang panibagong kaso ay isang 5 anyos na batang babae na residente ng Barangay Galintuja, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.

Ang bata ay  walang travel history sa Kalakhang Maynila at sa labas ng bansa  subalit nakaranas ng lagnat, ubo at sipon na agad na-admit sa Premier General Hospital sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Carlos Padilla, sinabi niya sa ngayon ay palaisipan sa kanila kung paano nagkaroon ng COVID19 ang bata  gayong mabundok at liblib ang kanilang barangay.

--Ads--

Nakatakdang ilipat sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya ang bata dahil sa walang kakayahan ang Premier General Hospital na tugunan ang kaso ng COVID 19.

Agad na magsasagawa ng contact tracing ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa mga maaaring nakasalamuha ng nasabing pasyente.

Ang pahayag ni Gov. Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya