Kinilala ang limang barangay sa lungsod ng Cauayan bilang Barangay Road Clearing Operations (BARCO) Top Performing Barangays sa lambak ng Cagayan.
Ang mga barangay na kinilala ay kinabibilangan ng Brgy. Tagaran, Sillawit, Alicaocao, Minante 2, at Nungnungan 2.
Ang naturang parangal ay nangangahulungan na ang mga Barangay ay kabilang sa mga malilinis na barangay sa buong Region 2.
Hindi naman inasahan ng mga barangay ang naturang karangalan.
Ayon kay Kap. Benjie Balauag ng Brgy. Tagaran Cauayan City, maging silang mga namumuno sa baranagay ay nagulat din umano dahil sa maituturing na prestihiyosong karangalan.
Dekada na aniya ang nakalilipas nang huling makatangap ng karangalan ang kanilang barangay, dahilan kung bakit tinagurian na makupad at pagong ang pag unlad at pag asenso ng kanilang Barangay.
Dati ay tinagurian din aniya ang Brgy. Tagaran na pinakamaruming barangay sa lungsod ng Cauayan.
Ayon pa kay Kap. Balauag, hangad lamang nila na magkaroon ng regular clearing operation kung saan pinuputol ang mga sanga ng kahoy na nakahambalang sa daan, upang hindi maging sanhi ng aksidente.
Tiniyak din aniya nila na walang basurang nakatambak sa daan upang maipakita na malinis ang barangay.