--Ads--

CAUAYAN CITY – Limang Construction worker ang dinakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station at Public Order and Safety Department kaugnay sa pagpapatupad ng Liquor ban sa Isabela habang umiiral ang signal number 2 sa lalawigan.

Ang mga dinakip ay sina Charito Munoz, Jojo Santos, Reggie Bugan Jeffrey Santos na pawang residente ng Cauayan City at Rey Condimilacor na tubong Bacolod City ngunit pansamantalang naninirahan dito sa Isabela.

Habang nag-iinuman sa isang kantina sa district 1 , Cauayan City ang mga suspek ay naaktuhan ng mga nag-iikot na mga pulis at kasapi ng POSD kayat ang mga ito ay dinakip.

Maging ang may-ari ng bahay kalakal na si Ginang Maritess Andres, apatnaput siyam na taong gulang, may-asawa at residente ng San Ramon, Aurora, Isabela ay dinakip din dahil sa paglabag sa Ordinance 08 series of 2011.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy ang pag-iikot ng mga otoridad sa Isabela upang matiyak na maipatupad ang liquor ban habang nasa lalawigan ang Bagyong Jolina.