--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsimula nang ipatupad ng Cauayan City Water District kahapon  ang 5-day water service interruption sa lungsod ng Cauayan.

Kahapon, araw ng lunes ay apektado ang Barangay Labinab, Culalabat, Buena Suerte, at Rizal habag ngayong araw naman ay Barangay Zipagan at Villarta street ng District 1 kung saan ang nalalabing bahagi ng District 1 ay naka schedule sa August 7.

Makararanas naman ng water interuption ang mga Barangay Dabburab, Baringin, Sta. Luciana, at Guayabal sa August 8, habang sa August 9 ay sa Barangay San Fermin partikular ang Coloma, R. Bucag, at Roxas Street.

Ito ay magsisimula tuwing  alas otso ng gabi hanggang alas dose ng hating gabi.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Manolito Supnet, ang Department Manager ng Cauayan Water District, sinabi niya na ito ay bunsod sa flushing o ang paglilinis sa mga tangke upang mapanatili ang kalinisan ng tubig.

Madalas ding nagiging dahilan ng water interruption ang aksidenteng pagkakabutas ng mga daluyan ng tubig dahil sa mga isinasagawang road construction.

Kapag nakararanas sila ng ganitong insidente ay biglaan ang ginagawa nilang pagpatay sa water system para hindi magkaroon ng bacteria o di naman ay mahaluan ng buhangin o lupa ang tubig.

Pinapayuhan naman niya ang mga konsyumer na ugaliing mag-imbak ng tubig dahil may mga pagkakataon na hindi inaasahan ang mga power interruption.