--Ads--
CAUAYAN CITY- Magtatayo ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela ng 5 drying facilities para sa mga magsasaka sa Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Faustino ‘Bogie’ Dy III na sa isang drying facility ay may kakayahang makapagpatuyo ng 1,000 kaban ng palay sa loob ng isang araw.
Nangangahulugang 5,000 kaban na mga produkto ng mga magsasaka ang maaaring patuyuin sa loob ng isang araw gamit ang 5 drying facilities.
Nitong mga nagdaang buwan ay nakita ang tuloy tuloy na mga pag-ulan na nagsanhi para bumagsak ang presyo ng mga produkto ng mga magsasaka.
--Ads--
Sinabi pa ni Gov. Dy na bukod sa mga aning palay ay maaari ding makapagpatuyo ng mais at cassava o kamoteng kahoy sa nasabing mga drying facilties.




