--Ads--

CAUAYAN CITY – Mga malalakas at matataas na uri ng baril ang nasamsam ng mga otoridad sa 5 bahay na pinagsilbihan nila ng search warrant sa Quezon, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Inspector Arnel Alvarez, hepe ng Quezon Police Station na ang CIDG region 2 ang nanguna sa paghahain ng Search Warrant sa limang bahay ng mga magkakamag-anak sa nasabing bayan.

Ang sinilbihan ng search warrant ay ang bahay ng magkakapatid na sina Rodoldo Edradan, Ernesto Edraran at Ginang Esmenia Sabado y Edradan kabilang ang kanilang bayaw at pamangkin.

Nasamsan ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group region 2, katuwang ang CIDG Cagayan, CIDG Isabela, CIDG Quirino at Quezon Police Station ang 1 shotgun, isang M16 armalite rifle, isang M14 armalite rifle, isang M11 9MM Ingram at isang .44 magnum.

--Ads--

Kabilang din sa mga nasamsam ang 169 na piraso ng mga bala ng mga nasabing baril kasama na ang mga 20 piraso ng Cal. .40, at Cal. ,50.

mayroon ding nasamsam na 10 magazines at dalawang holster ng baril

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” laban sa limang pinaghihinalaang nasamsaman ng mga illegal na malalakas na baril at bala