CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang drug personality na number 5 regional level sa isinagawang drug buy-bust operation kagabi sa Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.
Ang naaresto ay si Rocky delos Santos, 46 anyos, magsasaka at residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang genuine na 1,000 pesos at 11 na piraso ng 1,000 pesos na boodle money at isang 38 Caliber revolver na may apat na bala.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jeffrey Raposas, hepe ng San Mateo, Isabela, si Delos Santos ay sumuko noon sa Oplan Tokhang ngunit hindi tumigil sa pagbebebnta ng illegal na droga.
Sa kanya umano kinukuha ng ibang drug pusher ang kanilang suplay ng illegal na droga.
Bukod sa Isabela ay ay nagbebenta rin umano si Delos Santos ng droga sa Nueva Vizcaya at Lunsod ng Tuguegarao.

Ayon kay PMaj. Raposas, sinubaybayan nila ang galaw ni Delos Santos bago nila isinagawa ang drug buy-biust operation katuwang ang Regional at Provincial Drug Enforcement Unit at PDEA region 2.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa high value target na si Rocky delos Santos.






