--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na inoobserbahan sa mga pagamutan ang limang huling naitala sa Region 2 na kumpirmado sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Llexter Guzman, Health Education and Promotion Officer ng DOH Region 2, sinabi niya na sa ngayon ay lima pa rin ang mga naka-admit sa pagamutan na positibo sa COVID-19 sa rehiyon at maayos naman ang kanilang kalagayan.

Sa lima ay dalawa ang nasa Cagayan Valley Medical Center, dalawa rin sa Southern Isabela Medical Center at isa sa Region II Trauma and Medical Center.

Ayon kay Guzman, sa pagsasagawa nila ng contact tracing ay 263 kanilang nahanap.

--Ads--

251 sa kanila ay naisailalim na sa swab test at 167 ang nagnegatibo habang ang ilan ay hinihintay pa ang resulta ng swab test sa kanila.

Samantala, nananatili namang 34 ang kumpirmadong kaso sa rehiyon at 26 sa kanila ay nakarecober na habang isa ang namatay.

Sa mga suspect case sa ikalawang rehiyon ay umabot na sa 1,094 .

18 sa kanila ay mula sa Batanes, 362 sa Cagayan, 485 sa Isabela, 203 sa Nueva Vizcaya at 26 sa Quirino.

Tatlo naman ang probable at dalawa sa kanila ay mula sa Cagayan habang isa sa Isabela.

Ayon kay Guzman, 111 sa mga ito ay naka-admit sa pagamutan habang ang iba ay nasa kanilang mga bahay at inoobserbahan.

Tinig ni Llexter Guzman.