--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto ang limang magsasaka sa barangay Matusalem, Roxas, Isabela matapos silang masampahan ng kasong Arson dahil sa kanilang pagsunog ng mga naaning mais.

Ang mga akusado ay sina Juan Villanueva, 63 anyos,may-asawa; Jerry Villanueva, 33 anyos, binata; Joseph Villanueva, 37 anyos,, binata; Joey Villanueva, 36 anyos, binata at Edwin Villanueva, 57 anyos, pawang magsasaka at pawang residente ng Pulong Tagalog, Matusalem, Roxas, Isabela.

Ang pagkakaaresto ng lima ay nag-ugat sa rekomendasyon ng fire arson nvestigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sampahan ng kasong arson ang mga akusado noong December 2021.

Magugunitang batay sa ulat G. Miguelito Montiano, magsasaka at may ari ng sinunog na mais na noong maganap ang insidente ay maagang siyang nagtungo sa kanyang bukid sa Sitio Camcam, San Rafael para i-thresher ang inaning mais ngunit laking gulat nito ng makitang nasusunog na .

--Ads--

Lumabas sa imbestigasyon ng fire arson investigators na sinadya ang pagkakasunog ng mga mais dahil may nakitang black canvass na pinag ningasan ng mga salarin saka tinakpan ng nakasakong mais.

Bilang aksyon agad nagsagawa ng manhunt operation laban sa mga wanted person ang Provincial Field Unit Criminal Investigation and detective group o PFU-CIDG katuwang ang Roxas Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga akusado sa bisa ng warrant of Arrest na inilabas ni Judge Randy Bulwayan, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Roxas, Isabela at mayroong inirekomendang piyansang One Hundred Twenty Thousand Pesos each bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ang mga naaresto ay pawang mga umanoy miyembro ng “Villanueva Group na pinamumunuan ni Juan Espiritu Villanueva na sangkot sa land grabbing at arson activities sa probinsya ng Isabela.

Ang naturang grupo ay itinuturo ring responsible sa mga naitalang pagkakasunog ng mga pananim na mais at tabako sa ilang lugar sa Roxas, Isabela.

Ang mga aksudo ay dinala sa Roxas Police Station para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.