--Ads--

Patay ang limang katao matapos ang ginawang airstrike ng Russia sa Ukraine.

Sa loob ng ilang oras ay binomba ng Russia ang iba’t-ibang rehiyon ng Ukraine.

Kasama na nasawi ang 61-anyos na babae ng tumama ang drone sa isang electric train sa Kharkiv.

Ilang mga nasawi ay mula sa rehiyon ng Zaporizhzhia, Kherson at Poltava.

--Ads--

Ayon sa mga otoridad, na inilunsad ng Russia ang malawakang airstrike ilang araw matapos na ianunsiyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pag-atake sa Russia.