CAUAYAN CITY– Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang dalawa sa limang tao na nasangkot sa karambola ng tatlong sasakyan sa barangay Nappaccu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela
Ito ay sa pagitan ng isang motorsiklo na minamaneho ni Carlos Urita walang asawa, residente ng Cabaruan at isang tricycle na minamaneho ni Ryan Salatan,30 anyos kasama ang asawang si Joana Marie Salatan at isang kolong-kolong na minamaneho naman ni Jonathan Respicio, 48 anyos kasama ang asawang si Gerlie Respicio at pawang residente ng Barangay Minante Uno.
Dahil sa karambola ng tatlong sasakyan ay sugatan ang sakay na mga biktima.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO2 Mark Dennis Calimbo, imbestigador ng Reina Mercedes Police station na sa bahagi ng brgy. Nappacu Pequeno nabangga ng motorsiklo ang nasa unahan nitong motorsiklong may kolong-kolong.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay napunta sa kabilang linya ang kolong-kolong kayat nabangga naman ito ng paparating na tricycle.
Agad namang isinugod sa ospital ng Rescue 922 ang mga biktima na nagtamo ng gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pagkabali ng buto.




