--Ads--

CAUAYAN CITY- Limang ng militia ng bayan ang boluntaryong sumuko sa mga kasapi ng 54th Infantry Battalion; Alpha Company ng 77th Infantry Batallion at Ambaguio Police Station sa Ammoweg, Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Sumuko ang mga militia ng bayan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga kasapi ng 54th Infantry Batallion sa mga residente ay opisyal ng barangay ng Ammoweg, Ambaguio, Nueva Vizacaya.

Matapos sumuko ang 5 militia ng Bayan ay isinailalim sila sa debriefing at nanumpa ng pagbabalik loob sa pamahalaan na pinangunahan ni 2nd LT. Jullie Bebs Pacumba,Civil Military Operations Officer ng 54th Infantry Batallion na sinaksihan ng mga opisyal ng barangay at mga kasapi ng PNP.

Nangako ang limang militia ng bayan na makipagtulungan na sila sa pamahalaan at hindi na susuportahan ang mga rebeldeng New People’s Army.

--Ads--